Home » Archives » 06. November 2008
...Simple lang ang buhay ng tao...
'wag na natin gawing komplikado...

LIFE is for living... live it to the fullest!


LET’S DO OUR PART.. SAVE OUR ENVIRONMENT..

November 6, 2008

 

LET’S DO OUR PART.. SAVE OUR ENVIRONMENT..

I hope that this simple logo that I’ve developed can help make even a small difference..

Nakakaawa ang mga tao na walang pakialam sa kapaligiran. Wala namang bayad ang simpleng kaalaman at karunungan, dapat lamang buksan ang mga mata at ang isip sa kasalukuyang katayuan ng ating mundong ginagalawan.

Sa loob ng isang pampasaherong jeep, isang mag-ina ang kasakay ko. Ang nanay abala sa pagtatakip ng ilong niya at ng ilong ng kanyang medyo naaasar na anak. Ang bata naman nakasimangot na sa nanay habang isinusubo ang paubos nang Chippy. Maya-maya nagparinig na ang nanay sa katabing lalaki na naninigarilyo.. “ang-usok naman..” Padabog na kinuha sa anak ang iniaabot na balutan ng Chippy sabay tapon sa bintana ng umaandar na jeep.

Posted by designerbin at 8:36 am | permalink | comments[5]