'wag na natin gawing komplikado...
LIFE is for living... live it to the fullest!
FREE art workshop
June 18, 2007ARTISTIC ka ba???
What’s your favorite color???
Nais mo bang matuto ng basic art lessons? Familiar ka ba sa sketch pad, color pencil, water color, pastel color, charcoal, markers, paint brush, etc.? Familiar ka rin ba sa primary colors, secondary colors, tertiary colors etc.?
Kung alam mo ang mga nabanggit ngunit hindi mo alam gamitin ang mga ito, ngayon na ang iyong pagkakataon na matuto sa larangan ng sining. Ang ART o SINING ang nagbibigay-kulay sa ating daigdig na matamlay. Halina at kulayan ang ating daigdig!
Learn ART, express yourself!
-for beginners, intermediate & advanced students (kids and adults)
“You’ve got the talent, nurture it. Don’t have the talent but you have the passion for it, just practice, develop and continue learning.”
-Ervin G. Batacan
[- designerbin@gmail.com / 0918-391-1151 -]
Learn, Draw & Create ang title ng summer art workshop na aking pinasukan noong April - May 1999 sa Metropolitan Museum of Manila. Ako’y siyam na taong gulang noon nang i-enroll ako doon ng aking ama, kung saan siya naman noon ay nagta-trabaho bilang Assistant Photographer. Kasama ang dalawa kong pinsan at ilang mga kaibigan, sama-sama kaming pumapasok. araw-araw sa Meuseum upang matuto ng ART at siyempre para maglaro. Sa bakanteng oras, nililibot namin at ine-explore ang bawat sulok ng gusali. Pumapasok sa mga bawal na lagusan, pumupunta sa mga bawal na lugar, pinagti-tripan ang mga hidden cameras pati na ang mga brass covers ng floor outlets sa loob ng museum. Pagdating naman sa labas, andiyan ang katabing Fort Abad na ginagawa naming playground. Masaya ang workshop dahil sinasamahan namin ng laro. Hanggang sa ngayon, naitabi ko pa rin ang una kong Cattleya sketch pad at Prang water colors, kasama ang mga alaalang kinulayan ng tuwa.
gentleman ka ba?
June 16, 2007Teka…paano ko ba ito sisimulan? Marami ang nagsasabing ang mga lalake at babae ay pantay-pantay lang. Lalo pa sa panahon ngayon na kung ano ang kayang gawin mga lalake ay kaya na rin ng mga babae (maliban sa pag-ihi ng nakatayo.) Tama nga naman, dapat lang ituring na pantay-pantay ang bawat mamamayan, maging babae man o lalake. Ang mahalaga ay nabubuhay ka ng may prinsipyo at hindi umaapak sa paa ng iba upang makaangat.
Wala akong sariling kotse at hindi rin naman ako marunong mag-drive, kaya't nasanay na akong mag-commute. Tawagin mo na akong hindi gentleman, pero hindi ko talaga ibibigay sa iyo itong kinauupuan ko (maliban na lang kung ikaw ay buntis o may-edad na.) Dati-rati, madalas ay nagpapa-upo ako sa mga pampublikong transportasyon, subalit nabatid ko na ang lalake at babae nga pala ay pantay-pantay lang. Diba? At bilang na bilang ko kung ilan lamang ang nagpasalamat sa tuwing magpaparaya ako ng upuan.
Ngunit sa isang banda, at marami kang dala, maaari kitang bigyan ng upuan at alalayan.
nakapaglaro ka na ba ng chessketball?
June 13, 2007Ganap na alas-sais ng gabi, sa aking paglalakad pauwi ng bahay, ako'y napasulyap sa loob ng isang orphanage malapit sa amin. Agad tumawag sa aking pansin ang mga sigaw ng bata na naglalaro ng chessketball. Oo chessketball, ito ang itinawag ko sa kanilang laro dahil chessboard ang pinagkakabitan ng basketball ring. Hindi ko malaman kung matatawa ba ako o maaawa sa nakita ko. Nagpasya na lang akong tumawa. Wahahahahaa… Ü
designerbin

Para sa mga mahilig sa DESIGN, mahilig mag-DESIGN, at sa DESIGNER wannabe’s…
Halina at sama-sama nating pasukin ang daigdig ng DISENYO sa bagong milenyo!
Ano ba ang hilig mong i-design? produkto? damit? pagkain? bahay? Kahit ano pa man ‘yan, ang mahalaga ay mailabas mo sa iyong utak ang nagsusumigaw na ideya o konsepto at ilipat ito sa kapirasong papel upang maging isang disenyo na maaaring maging isang bagong uri ng produkto, damit, pagkain, bahay, atbp. Naniniwala akong ang bawat tao ay may angking talento sa larangan ng design. Marahil ay kulang lang ng execution kung kaya’t hindi nabubuo ang isang ideya na namamahay lamang sa kanyang isipan. Simulan sa isang tema o paksa, lagyan ito ng kakaiba o natatanging sangkap na magpapaangat nito sa iba, dagdagan ng kapirasong buhay, at lapatan ng nababagay na hugis at kulay. Ayan! Isa ka nang Designer!
DESIGN is innate in a person; ideas surprisingly flow from the mind…
-Ervin G. Batacan
“You’ve got the talent, nurture it. Don’t have the talent but you have the passion for it, just practice, develop and continue learning.”
-Ervin G. Batacan
natutulog kong mundo
June 12, 2007Magulo ba ang mundo??? o ang mga tao ang sadyang nagpapagulo dito?
Kung makikinig ka sa latest news at magbabasa ng current events, mapapagtanto mo sa iyong pag-iisip na napakalaki ng mundo at napakaliit lang ng problemang iyong kinakaharap.
si mr. photographer
June 10, 2007
Naranasan mo na bang makuhaan ng picture na hindi mo alam kung bakit wala ka namang sore eyes e biglang naging pula ang kulay ng mga mata mo pagka-develop?
Naranasan mo na rin bang ma-bad trip dahil putol ang tuktok ng ulo mo paglabas sa litrato?
Ang mga ‘yan ay dahil sa tinatawag na red-eye effect at parallax error ng camera. Red-eye effect kung saan nagiging kulay pula ang mata, ito ay karaniwang dulot ng malapit na photographic flash sa camera lens (tulad ng sa mga instamatic o compact cameras.) Sa bilis ng liwanag ng camera flash, dumarating na ito sa mata habang hindi pa naisasara ng iris ang pupil. Ang liwanag ay nafo-focus sa blood-rich retina sa likod ng mata, at ang larawan ng naliwanagang retina ay nakukuha ng camera, na nagdudulot ng pag-pula ng mata sa kuha ng camera. Samantalang ang parallax error naman ay sanhi ng camera system (tulad uli ng sa mga instamatic o compact cameras) kung saan ang viewfinder (maliit na silipan sa camera) ay hiwalay na optical system sa aktuwal na lente ng camera. Nangangahulugan itong iba ang nababasa ng lente kaysa sa nakikita mo sa viewfinder, na karaniwan namang nangyayari lalo na kung malapit ang agwat ng kinukuha mong subject sa camera.
‘Yan at marami pang ibang bagay ang natutunan ko sa photography class; sa tulong na rin ng aking professor sa UP Diliman na itatago na lang natin sa pangalang Armando Caruso XIV.
LOVE
June 9, 2007Love is patient and kind; it is not jealous or conceited or proud; love is not ill-mannered or selfish or irritable; love does not keep a record of wrongs; love is not happy with evil, but is happy with the truth. Love never gives up; and its faith, hope, and patience never fail.
I Cor. 13:4-7









